Mga Patama ng mga Hugot Lines sa That Thing Called Tadhana (TTCT)

"That Thing Called Tadhana" has currently reached 130 Million Gross Sales on it's fourth week.  So what's the fuzz over this film directed by Antoinette Jadaone and starred by Angelica Panganiban as Mace Castillo and JM De Guzman as Anthony Lagdameo?

the thing called tadhana
*all photos credits to their proper owners (searched through google)
Tamang tama kasi mga patama sa mga hugot lines eh... relata diba?

So eto na mga patama ng mga hugot Lines sa That Thing Called Tadhana (TTCT) para sayo...


Patama #1: Pag Hindi Ka Mahal Wala Kang Magagawa!

Mga TTCT Hugot Lines Para Sayo:
the thing called tadhana

  •  “Alam mo ‘yung love na 8 years na kayo? Sa ganong love ka pa ba magdududa? Pero wala pala sa tagal ng relasyon yun. Ke eight months kayo o eight years, kung gusto ka niyang lokohin, lolokohin ka niya. Pag hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal.” 
  •  “Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. Seven words. ‘Yung 8 years namin, kinaya niyang tapusin in 7 words.” 
  • Anthony: “Di ka na niya mahal. Yun na yon. Ano di malinaw dun?”
          Mace: “Tang *** naman, sabihin naman niya kung bakit–
         
          Anthony: “Bakit, kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang  
          bottomline, hindi ka niya mahal.”

Patama #2: Gawin mo ang lahat para hindi ka magsisi.  Push mo lang yan.
the thing called tadhana

Mga TTCT Hugot Lines Para Sayo:
  • "Bakit mo ipapaubaya sa hangin, sa tadhana…sa isang bagay na di mo naman nakikita. na kung mahal mo...habulin mo. Huwag mo antayin may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hatakin mo. Hanggang kaya mo...huwag kang bibitaw. Eh sorry, mahal kita eh.” 
  • “Hindi ko sya hinabol hindi ko sya hinabol hanggang sa maabutan ko sya”
Patama #3: Tanga tayo pagdating sa pag-ibig.

the thing called tadhana

Mga TTCT Hugot Lines Para Sayo:
  •  “Para sa mga umibig, nasaktan, ngunit umibig pa rin.  You know, tatanga-tanga.”
  •  “Mabilis ako maniwala . Tanga eh.”
  •  “Naniniwala na ako  Love is Blind”
Patama #4: Mahirap pero makakamove-on ka rin.

the thing called tadhana

Mga TTCT Hugot Lines Para Sayo:
  • “Ang hirap paniwalaan na sa isang iglap, ‘yung taong pinaglaanan mo ng panahon, ‘yung taong pinagbuhusan mo ng atensyon, ‘yung taong minahal mo nang buong-buo... biglang titigil na lang sa pagmamahal sa ‘yo.”
  • Mace: “Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?” 
          Anthony: “Matagal.”
          Mace: “Gaano nga katagal? One year? Two? 3? 4? 5?” 
          Anthony: “Importante pa ba ‘yun? Ang mahalaga, nakalimutan.”
  • Mace: Pa’no ba makalimot?”
          Anthony: “Pwede kang uminom gabi gabi, pwede kang umiyak gabi gabi, pwede kang 
          makipagdate kung kani-kanino, o pwede ka ring makahanap ng new love.”
          Mace:  Pa’no ba makalimot?”
           Anthony:  “Hindi ko rin alam. Nagising nalang ako isang araw. Wala na siya.   
           Nakalimutan ko na siya.”
the thing called tadhana
  • Naalala ko siya sa lahat. Sa ketchup, sa pastillas, sa yosi, Bulacan, sa dahon ng malunggay.
  • Anthony: “Mabigat!” 
          Mace:  “Pero Kaya Ko.”
          Anthony: “Mabigat! Mabagal!”  
           Mace: “Pero kaya.” 
           Anthony: “Kaya?
           Mace:: “Kaya pero mabagal ”  
  •  “Makakarecover ka”
  • Malungkot lang ako, pero hindi ako mag-isa ngayon.”

the thing called tadhana
  • Anthony: “Pag may dumaang shooting star, anong iwi-wish mo?
  • Mace: “Sana di ko na sya mahalin.
the thing called tadhana
  • “Excuse me but have you lost your heart?”, the arrow was surprised, it was the heart who used to be pierced through him—and there was no reply. The arrow and the heart didn’t need any.
Patama #5: Magulo ang tadhana.  Pwedeng pinagtagpo at tumungo sa pag-ibig, pwedeng panandiliang sandalan lang.

the thing called tadhana

Mga TTCT Hugot Lines Para Sayo:
  • “Alam mo yung sinasabi nila na kung kayo, kayo talaga. Kung kayo, babalik s’ya sa’yo. T*ngn*, nakaka-g*go yun ah. Ano yon? Iaasa ko nalang sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi ko nakikita yung future n’yo ng taong mahal na mahal mo?”

the thing called tadhana

  • “Kasi ‘yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sa ‘yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.”

  • Where do broken hearts go nga ba talaga, tita Whitney?
Patama #6: Walang kinalaman sa pagbreabreak up niyo ang itsura mo. 

TTCT Hugot Lines Para Sayo: 
  • “Pangit ba ako?”
Patama #7: Pero may perks talaga ang pagiging maganda.

the thing called tadhana
TTCT Hugot Lines Para Sayo:  
  • “Hindi naman ako sasama sayo kung hindi ka Chix”
Patama #8: Maraming klaseng pag-ibig.
the thing called tadhana
  TTCT Hugot Lines Para Sayo:   
  • “There are all kinds of love in this world but never the same love twice.”
Patama #9: Wag kasi assuming.  Wag magmagaling.
the thing called tadhana
TTCT Hugot Lines Para Sayo:  
  • “Akala ko magaling na“ ako, marunong lang pala”
Patama #10: Mahirap pigilan magstalk sa mga ex...aminin mo man o hindi.
the thing called tadhana
TTCT Hugot Lines Para Sayo:  
  •  “Sa tuwing babangitin ko siya, Ichechek ko ang Facebook, Twitter or Instagram niya, bibigyan kita ng piso.” 
BONUS! 
Hanapin ang inyong tadhana, eto ang aming guide sa Baguio at Sagada para sa inyo
Baguio Guide at Itinerary

Sagada Guide at Itinerary